Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar

Q: On limit in political ads

Villar: Ang problema nang masyadong ili-limit iyong mga kakandidato na hindi masyadong di kilala, syempre disadvantage iyon. Sa amin na reelectionists hindi disadvantage iyon.

Q: Disadvantageous daw kung walang pera iyong kandidato.

Villar: Oo, pero disadvantageous para sa hindi kilala. Syempre advantage sa mga mas kilala either nasa media sila o artista sila. Mas disadvantageous sa mga professional na hindi usually kilala. Balansehin na lang nila. Maraming advatages, maraming disadvantages. Dapat balansehin nila.

Q: Paano kaya nila babalansehin?

Villar: Bigyan din nila ng time para mag-advertize kung talagang di kilala. Tapos ilimit na rin pero hindi enough na ma-deprive sila na makilala ng tao. And then maybe iyong mga station na hindi naman nila masyadong mahalan because this is a political exercise, hindi naman ito advertisement for a product na commercial.

Q: May feeling daw ng dayaan..

Villar: Ako I’m always in favor of hybrid. Iyong botohan sa presinto is manual. Tapos iyong mga kandidato makikita nila ang result sa precinct level. Para kahit mag-transmission na computerized, pag mali ang itrinansmit, meron kang basis to question. Kasi ngayon walang basis to question kasi hindi mo alam ang result sa precinct level kasi hindi ka binibigyan ng result on a precinct level kung automatic na tinatransmit so kung may question ka, you go through a very difficult process of protest. Pero kung meron kang copy of what happened on the precinct level, usually naman mga political parties they have a copy, then kung iba ang trinansmit, maku-question mo agad.

Q: Mas limited ang pandaraya..

Villar: Mahihiya kasi alam mo ang result on a precinct level. They will not try na dayain sa transmission.

Q: Can you confirm kung ang Nacionalista Party pinag-iisipan kung makikipag-coalesce with Hugpong ng Pagbabago?

Villar: Iyon naman alliance lang iyon, if we want to go on an alliance. Wala pa silang precedence na ang Hugpong nag-alliance sa malaking partido so pag-aaralan muna.

Q: Pero may offer?

Villar: Okay naman na makipag-alliance sa kanila if ever. Kaya lang wala silang precedent. Maliit lang silang regional party, they are limited to Region 11. Gusto lang nilang may alliance pero wala pa silang nagagawa to a major national political party. So this is a precedent.

Q: On House change of leadership

Villar: I don’t want to comment on that kasi baka sabihin nila na ngayon na wala na sila sa posisyon, umaayaw kami. You know ang alliance with parties, pwedeng may kasulatan na may alliance pero in practice, kung hindi naman na-exercise nang maganda, pangit din iyon. Hindi na tayo magko-comment doon kasi hindi magandang mag-comment tayo doon ngayon… Kaya kami nakipag-alliance sa kanila, kasi noong nanalo si President Duterte, ang member ng PDP-Laban sa House are two, si Speaker Alvarez at saka iyong Congressman from Valenzuela. Dalawa lang silang member. So we thoughte that since we want to give support to President Duterte, maganda ding mag-alliance ang PDP at saka ang Nacionalista para dumami-dami ang nagsu-support kay President noong biglang nanalo si President Duterte. Pero nakita naman natin lumaki ang PDP, hindi na nila kami kailangan and in fact, siguro 10 Nacionalita congressmen trasferred to PDP. So alliance ba iyong kinukuha ang mga member mo? Pero tapos na iyon.

Q: Ang defection na iyon nagsimula before pa nangyari iyong pagpapalit ng Speaker?

Villar: Before the change of House leadership. Oo, noon pa iyon.

Q: Satisfied pa rin kayo sa alliance with them?

Villar: Nandoon na iyon, eh. There is nothing personal with the people of PDP.

Q: Pero iyong mga lumipat na member ng NP sa PDP hindi ba babalik sa inyo?

Villar: No. Noon pa iyon lumipat. Nasa kanilang desisyon iyon.

Q: Even before the change of House leadership, hiwalay na?

Villar: Hindi, may mga lumipat mula sa amin to PDP.

Q: As a party, are you still in alliance?

Villar: Wala namang problema doon kasi nire-recognize ni President Duterte na ang PDP ay kanyang partido iyon. Ayaw naman nating ma-harm ang PDP. Wala na iyon kasi for me ang alliance, it’s how you deal with each other.

Q: What do you mean na wala na iyon?

Villar: Ibig sabihin, how you deal with your ka-alliance. Parang hindi maganda na ka-alliance mo, pinalipat mo ang member noon sa iyo. Dapat inhonor iyon.

Q: Ino-hnor n’yo pa rin ang alliance kahit na may ganoong nangyari?

Villar: Wala namang usapan na hindi. Alam mo kasi ang alliance is not the paper. It’s how you deal with the people in the alliance. Pero whatever, tapos na iyon. May problema sila, ayaw naman nating makigulo pa sa kanila.

Q: Dumidistansya na ang NP sa PDP?

Villar: Hindi naman. Basta sa akin ang alliance is how you deal with your ka-alliance.

Q: After what happened…

Villar: Baka galit na rin sila sa amin kasi bumoto iyong aming partido kay GMA.

Q: Alliance stands?

Villar: Kami naman ni Koko, okay eh.

Q: Ano ang status?

Villar: Wala namang ginagawa sa alliance. Kaya lang nag-change ng leadership sa House, I don’t know how they feel na ngayon.

Q: Stay pa rin ang alliance?

Villar: Yes.

Q: Si Governor Marcos, officially NP na ba siya?

Villar: Yes.

Q: So kapag may alliance with Hugpong, dapat automatic package deal kayo…

Villar: Actually mabait naman ang Hugpong kahit wala kaming alliance inendorse kami sa Mindanao without even asking. Alam mo iyang alliance, depende how you are treated. Hindi importante ang kasulatan, ang importante how you treat each other. I think that’s the essence.

Q: You were treated better by Hugpong?

Villar: Hayaan mo na, mabait sila sa amin.

Q: Sa 2019 may alliance na with Hugpong?

Villar: Wala pa kaming alliance, basta mabait sila sa amin.

Q: Wala kayong apprehension na baka magkaroon ng dayaan…

Villar: We are guided accordingly. Alam naman natin there is always dayaan somewhere some place. You just have to take care of yourself. Wala na tayong magagawa doon.

Q: How will you take care of yourself?

Villar: I don’t know but I will take care of myself.

Q: Pati iyong mga taga Nacionalista party?

Villar: Marunong din sila. Remember ang aking kasama sa partido si Pia at saka si Imee, magagaling iyon. Baka mas magaling pa iyon sa akin.

Q: Very possible ang alliance with Hugpo kasi inendorse nila ang dalawa?

Villar: I think they will endorse Pia also. Kasi kami lang ang nakasabay sa Mindanao so siguro natuwa siya sa amin, inendorse niya kami. But we didd’t ask for it, she volunteered. I guess kapag gusto ka niya, i-endorse ka niya.

Q: Iyong alliance hindi naka-close lang?

Villar: Hindi. Walang kasulatan iyon, friendship iyon.

Q: Ano tingin ninyo sa decision ni Sen. JV na aalis na siya sa PMP, magjo-join na siya sa NPC para mas stable ang reelection niya?

Villar: I guess, kanyang desisyon iyon. Syempre siya ang nakakaalam what’s good for him. Ako I always believe that you have to take care of yourself . kung feeling niya it will be good for him, then so be it. Magandang decision iyon, siya nakakaalam kung ano ang mabuti sa kanya.

Q: On Boracay administration

Villar: It’s in the technical working group. We intend to pass it this year kasi that would set precedent sa lahat ng mga katulad ng Boracay na they should be managed by it. Kasi kung iaallow lang natin na certain people ang mag-manage, nagkakaproblema.

Q: Is it a new body?

Villar: Maraming ganyan, like Palawan has, Intramuros, Subic, Clark. Hindi naman first time na ang Boracay. Tingin namin mas better.

Q: Who will compose it?

Villar: Siguro DENR and representative ng local government. Tapos kasama iyong ibang stakeholders , NGOs, tsaka iyong reprentative ng may business doon like Chamber of Commerce. Iyong mga stakeholders sa place para balansyado. Of course, government para lalong balansyado.

https://www.senate.gov.ph/press_release/2018/0731_villar1.asp