Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar on wastewater treatment, federalism

Q: 14% pa lang ang nagagawang sewage treatment plant

Villar: Nagbigay sila ngayon ng schedule na habang naghihintay tayong matapos ang 100% in 2037, responsibility nila na kunin from our septic vault, iyong pozo negro, kukunin ng truck ng Maynilad at Manila Water at dadalhin sa STP nila para linisin bago dalhin sa body of water.

Q: Kasama po ba ito sa binabayaran natin?

Villar: Ang binabayaran ng residential, they call it environmental fee na 20% ng ating water bill. Iyon ay para linisin ang ating septic vault every five years. Iyon ang binabayaran natin in the meantime na naghihintay tayo na makumpleto nila ang sewer line natin.

Q: Hindi enough yung binabayaran natin…

Villar: I think reasonable na iyon, malaki na iyong 20% of our water bill. Kailangan lang gawin nila ang trabaho nila kasi maraming bahay hindi alam na they are entitled na lilinisin ng Maynilad ang septic vault nila every five years. Ang marami sa mga bahay di ba, pinalilinis iyan sa Malabanan? Hindi na kailangan ng Malabanan. Responsibility iyan ng Maynilad at Manila Water.

Q: Kailan daw mami-meet ang 52%?

Villar: Nagbigay sila ng schedule na parang bibilis ngayon. We have 19 years more, 21 years na ang nakakaraan pero ang hina ng performance nila. Ngayon nagbigay na sila ng bagong schedule that they will finish it in 2037. Mukhang mabilis ngayon. Kaya nga sabi ko ibigay sa akin ang schedule as oversight committee, titingnan natin kung ginagawa nila every year as scheduled.

Q: So far hindi ka pa satisfied sa ginagawa nila?

Villar: Ngayon mahina talaga, 14% out of 100, after being there for 21 years. Magdo-double time sila ngayon. In 19 years, they will finish the 100%.

Q: Bakit daw po sinisisi nila ang gobyerno…

Villar: Sinasabi nila nahihirapan sila sa permit, at saka right of way , kaya hindi nila nagagawa ang trabaho nila. Sabi ko, kasi mahina ang inyong community relations. Kasi nakikita ko iyong mga binungkal ninyo diyan. Kapag ni-restore ninyo ang pangit-pangit nasisira ang kalye. So ang sabi ko, there’s something wrong with the implementation of the project kaya nagagalit ang mga local government at iyong mga tao. They really have to be strict on their contractors na mas maganda ang quality of work. Kasi hinuhukay nila ang kalye tapos pag-restore nila pangit.

Q: On latest post of Asec Mocha on federalism

Villar: Hindi ko pa nakikita pero ang sabi nila, hindi daw maganda. I guess they have to improve on how they promote federalism kasi ang feedback hindi maganda.

Q: Inappropriate ba iyon kasi Asec siya ng PCOO at malaswa ang video?

Villar: Kaya nga ang sabi hindi maganda. Kaya dapat ayusin nila iyon.

Q: What do you think should PCOO do …

Villar: Kasi this is federalism, this is a serious matter. This is revision of the Constitution. Ayusin natin how we promote it in a more decent manner. Mahirap naman iyong pangit. Kasi parang kapag hindi mo pinromote seriously, parang hindi tayo seious sa amendment ng Contstitution.

Q: May pagkukulang po ang PCOO?

Villar: Siguro iyong taste nila on how to promote it may problema.

Q: Nagkamali sila sa pag-tap kay Asec Uson?

Villar: Hindi naman. Asec siya eh, dapat alam niya.

Q: Si Sen. Koko is calling on Asec Mocha to take a leave… Kayo po kailangan lang i-correct?

Villar: Hindi ko pa kasi nakikita pa, hindi pa ako nanonood. Pero ang feedback, hindi maganda so siguro dapat ayusin nila iyon.

Q: Hindi drastic na mag-leave siya or alisin na siya sa federalism campaign?

Villar: Ayusin nila ang federalism campaign nila. Hindi na nga popular ang federalism, nagkaka-controversy pa na ganito, mahirap iyon.

Q: Mas mawawalan ng chance na suportahan ang federalism?

Villar: Yes, I think so.

Q: Iyong capacity niya for information dissemination?

Villar: Kasi tingin nila because magaling siya sa social media, that is a qualification. Pero syempre kapag government, dapat very careful ka kasi iba naman iyong you’re in private, madali iyon. But when you’re in government, you have to be very careful kasi mas mataas ang standard nila sa government kaysa sa private. Kasi when you’re in government, you use public money so may pakialam ang mga tao doon. Kapag private kasi, that’s private money kaya walang masyado. Hindi naman nila pera iyon, wala naman silang pakialam. Kaya you have to be very careful when you are in government.

Q: Hindi dahil maraming followers…

Villar: Hindi, mahirap ang government. Very strict sila dyan at ang mga tao mapintas sa government.

Q: How clean is Manila Bay?

Villar: Sabi nga after 10 years lalong dumumi imbis na luminis. It’s not clean. Diba iyon ang comment ng DENR. Inissue ang mandamus in 2008, ten years after lalong dumumi, hindi luminis. We have failed in the mandamus that’s why we are working double time now.

Q: Cesspool level na kagaya ng Boracay?

Villar: Siguro. Madumi talaga.

Q: May responsibility ang Maynilad at Manila Water?

Villar: Lahat tayo may responsibility dito. Meron din ang Maynilad at Manila Water because they were not able to do iyong sewer. That is very important for Manila Bay. Kung hindi matapos iyon, at least malinis ang septic vault. Kasi kung Malabanan, tinatanong ko sila saan dinadala ng Malabanan, sa mga lots lang daw at mga creek. Ang Maynilad kung sila ang gagawa nun, dadalhin nila sa treatment plant. Kapag Malabanan, saan dinadala? May problema tayo doon.

Q: Maraming improvements pa ang kailangan? You are not satisfied with the work?

Villar: Yes. Marami pang improvements, they promised naman to improve. We will just have to oversee the improvement.

http://senate.gov.ph/press_release/2018/0806_villar1.asp