17th National Vegetable Congress in Davao

Maraming salamat sa mga miyembro ng Vegetable Industry Council of Southern Mindanao,  Inc. (VICSMIN) sa imbitasyon. Masaya akong maging parte ng 17th National Vegetable Congress (17th NVC) here in Davao.

I commend VICSMIN and the Department of Agriculture-Davao Region as well as its other event partners and sponsors for bringing together the vegetable industry stakeholders nationwide for the 17th NVC to discuss and deliberate about a very relevant theme: “Strengthening Sustainable, Safe and Inclusive Vegetable Industry”.

The vegetable industry is of course very important to an agricultural country such as the Philippines. More than fifty percent of the country’s agriculture sector is comprised of crops, of which vegetables and other root crops are a major component. Thus, the industry’s further growth and development is our collective goal.

The theme of the 17th NVC as well as the topics included in the event’s program encompasses some of the issues, concerns and advocacies that I also actively support. These include sustainable food production, food safety, urban gardening, among others. Those are really tied or linked to our ultimate goals for our country and countrymen—a food-secure future and healthy citizens. A healthy citizenry can only translate to a progressive nation.

I am glad to discuss further the topic assigned to me: “The Relevance of Urban Gardening in the Food Security of the Philippines”. As most of you know, I have been promoting vegetable gardening in schools and communities to help solve malnutrition and other health problems among Filipinos. Likewise, I have been encouraging learning centers and farm schools to offer training courses on vegetable production, urban gardening, organic farming and other related courses to farmers, farming enthusiasts and communities. Since it can also provides livelihood opportunities and additional source of income.

Pare-pareho naman tayo ng layunin lahat. Una ay ang magkaroon ng tamang nutrisyon ang ating mga kababayan, kaya natin isinusulong ang pagtatanim ng mga gulay. Maraming mga Pilipino kasi ang kumokonti na ang konsumo ng gulay. Ang dahilan ng karamihan ay mahal daw.

Kaya naman dapat ma-engganyo natin ang lahat na magtanim ng gulay kahit sa paso o maliit na parte ng mga bakuran nila. Hindi naman kailangan ang malaking espasyo. Malaking menos rin sa gastos sa pagkain at masisiguro pa natin na masustansya ang pagkain natin.

Layunin din natin na makatulong sa mga farming communities sa buong bansa. Gusto natin mapalago ang kita at  kabuhayan ng mga magsasaka at kanilang mga pamilya para makaahon sila sa kahirapan. Hindi lang sila, in fact, kahit ano naman ang propesyon o estado natin sa buhay, pwede tayo mag urban gardening o vegetable farming.

In fact, sa mga training courses o programs nga mga farm schools at learning sites, including our very own Villar SIPAG Farm School, meron din mga OFWs, barangay officials, mga housewives at mga kabataan na umaattend ng trainings namin. Pwede naman nila lahat i-apply sa kanilang  pang araw-araw na pamumuhay at pwede rin gawin source of income o kabuhayan (livelihood), as I cited earlier.

Dalawa na ang aming naitayong Villar SIPAG Farm Schools, sa Bulacan at sa Cavite. May plano pa na magtayo ng iba pa sa ibang bahagi ng bansa, para naman sila rin ay mabenepisyohan ng mga training na ibinibigay namin.

Ini-engganyo ko rin ang lahat ng may mga farm tourist camps or sites na idagdag ang farm school sa kanilang mga facilities. Marami na kasi ang mga farm tourist sites sa buong Pilipinas at magandang paraan para mas marami pang mga kababayan natin ang maabot ng mga agri-related training courses.

Ang mapadami ang mga farm schoos ang isa sa  mga layunin na nakapaloob sa aking ini-akdang “Farm Tourism Development Act of 2016”  na naisabatas na sa ilalim ng Republic Act (RA) 10816. Pinapaigting ang training and education under the law since under the new law, the ATI and the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) “shall encourage farm tourism camps to become learning sites and accredited extension service providers, and the TESDA shall accredit farm tourism camps as technical vocational institutions for agriculture and tourism courses”.

Gusto ko rin i-emphasize ang importanteng kontribusyon ng mga pamilyang magsasaka. Dapat natin sila bigyan ng importansya at prayoridad. At sa inyong mga family farmers na andito, huwag ninyong mamaliitin ang inyong papel na ginagampanan. Dahil napakaimportante ninyo.

Nakasalalay sa inyo at inyong mga family farms ang food security nating lahat, at hindi sa mga corporate farms. Kayo ang inaaasahan namin na magpapakain sa aming lahat at sa mga susunod pang henerasyon. Kaya dapat huwag tumigil ang mga pamilyang Pilipino sa pagsasaka at huwag ninyo iiwan ang inyong mga farms, dahil pag nangyari iyon,  pagdating ng araw ay baka wala na tayong makakain. Kawawa naman din ang mga apo natin kapag nagkataon.

Alam nyo, palaki ng palaki ng populasyon sa buong mundo, pati na rin dito sa ating bansa, kaya may malaking pressure to produce more food. According to the United Nations (UN) Food and Agriculture Organization (FAO), kailangan ng 70 percent more na pagkain ang ma-produce, para matugunan ang pangangailangan ng mga tao by 2050. By that time, nine billion na ang populasyon sa buong mundo.  Kaya importante na siguruhin ang food security and family farmers have a crucial role in that.

So, tuloy-tuloy lang ang inyong lingkod sa pagsulong ng mga panukalang batas, programa at proyekto para mabenepisyohan ang ating mga magsasaka kasama ang kanilang mga pamilya at komunidad. Napakarami pang pwede gawin at napakarami pang mga Pilipino ang nangangailangan ng ating tulong, kaya hindi tayo tumitigil sa ating mga adbokasiya at aksyon. With our concerted efforts and cooperation, we can make a difference. On that note, maraming salamat muli at mabuhay ang vegetable industry!